Thursday, March 09, 2006
4:19 AM
*waaa nawala ang mga litrato mima tinkie bell at eeyore. e anu naman? e sa tinatamad ako ayusin. fuck kasi.
Buti pa magquiz na lang.

Take the What High School Stereotype Are You? quiz.
*Ay siya nga pala, gusto ko lang magyabang. minsan lang naman eh. hindi na ako magtatake ng finals sa Psych. Excempted lang naman kasi. haha! mayabang ka gagu! enough enough.
*Matagal tagal na din ng huli akong magpost ng kung anu anung walang kwentang bagay dito. Naiinis nanaman ako sakanya. Noon, akala ko matatagalan ko ang kayabangan niya ngunit doon ako nagkamali. Isa siyang salot sa magandang buhay ko. Punong puno pa ng kaboringan. ampota. Bahala na ang Diyos sa kanya. Nako, mali nga pala tong ginagawa ko. ISANG MALAKING KASALANAN SA DIYOS. Nagiging makadiyos na ako. seryoso. pagtawa kayo ng magtawa pero yun ang totoo. May kakaibang pananalig na ako sa diyos ngayon. onti onti ko na siyang naririnig sa araw araw. Marahil ay tinatawag niya na ako para mag bagong buhay. Sana magtuloy tuloy na toh at sana marinig niyo na rin Siya... Abala kasi kayo sa kakarinig sa walang kwentang mga bagay bagay. ayan tuloy. o tigil na sister marla.
*Kagabi, pagkatapos ko umiyak..... Napaisip ako.... Siguro kapatid ko yung mga bata sa SERIES OF UNFORTUNATE EVENTS. haaay. wala lang. weird thought.
*Nagsimula na ang OTH SEASON THREE! gagu. walang nagsabi sakin. ang SELFISH MO talaga. sige lang. may KARMA kaya! >:/
*Habang lumilipas ang panahon.. umiiba na ang mga gusto kong pakinggan na musika. ewan ko nga ba. nakaka adik ang mga kanta ni JAck Mannequin. Wala lang. PAti story of the year. Isama mo na rin ang yellowcard. Nako pow, wag naman sana ako maging rebelde. Hindi ko sinasabi na rebelde ang mga nakikinig nito pero. hay nako bat ba kailangan ko pa iexplain?! yun na yun.
Ang kupal ng Assumption. Bat ba kailangan magdefense? Puro kalokohan at kaplastikan lang naman. Para san pa??
*Sana matuloy kami sa biyernes sa EK. At sana matuloy na din ang paglipat ko ng kurso. Ayokong mabulok sa MGT habang buhay. Gusto ko kahit minsan sa buhay ko, nag isip ako ng makabubuti hindi lang para sa sarili ko, pati na rin sa pamilya ko. hehe Sana tanggapin ako sa MediaProd. Sana Sana Sana. Ipagdasal ninyo po ako. Salamat.
*May sumpa ata ang block namin. Halos lahat walang boyplen. Hindi naman kami anti-social. TAMAD lang maglalalabas lalo na pag walang transpo. Ayun naman pala. O bat nilagay ko pa yun dito?! wala lang. paki alam mo.
*Gusto ko ulit maging masaya. Gaya nung mga panahon na lagi kaming nagtatawanan ng aking blockmate na si Charlote. Puro kalokohan ang natututunan ko sa kanya. Ayos lang. Basta masaya. Ilang linggo din ako nun na walang tigil sa katatawa. Ngayon... Puro problema. Nakakastress. nakakainis. Puro demands. Pressure. Eh hello???? ang bata ko pa para sa mga ganyang problema. ulul ba kayo?
*Cras ko parin si Babbler. haha! nakakatawa noh! ilang buwan na din ang nakalipas. 3/4 months na lang magsisimula nanaman ang UAAP. Makikita ko nanaman siya. Anu ng klaseng kalokohan toh. Tama na ang kahibangan at mag aral na.,
*Napanod ko na pala ang Coach Carter. Pasensiya naman kung ngayon lang. Pero paborito ko na ito. Maganda. Gusto ko na tuloy magbasketball. Nuon ko pa iyon gusto kaya lang marami akong kinatatakutan gaya na lang ng injuries. Prone daw kasi ang mga babae sa MCL at ACL. Kaya yun. Ayoko nga. Tapos ayoko mamatay ang kuko ko noh! Baka maapakan ako. Tapos ang liit ko kaya! Nakita niyo na ba ako? Hindi? Paki alam ko. Basta, sinasabi ko sayo, maliit ako. Pero sabi ng aking kaibigan na si Micah Aguilar, sumali daw ako. Ang gulo. Pero kahit Team B papatusin ko na noh! Basta wala lang akong ng lecheng P.E na yan. Kung hindi, baka magbadminton ako. Kailangan ko ng ehersisyo. Madali na akong mapagod. Hindi iyon maaari.
*Ayoko na magtype. nitatamad na ako. Wala naman magbabasa eh...
Paalam mga kaibigan. Pakikinggan ko na ang mga binurn kong CD.
Magandang gabi. Magdasal kayo bago matulog.
marla* 8:48 pm. march 9 2006
dreaming of a could be*
|